Lito Atienza's Blog

MANILA WAS NOT IN A STATE OF BANKRUPTCY WHEN I STEPPED DOWN AS MAYOR | July 31, 2009

The following articles were taken from various newspaper columns disputing some statements being made by incumbent officials of the City of Manila that I left the city in a negative financial position:

AUGUST 5, 2009 THE PHILIPPINE STAR
MANILA, Philippines – Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Lito Atienza yesterday denounced repeated allegations reportedly made by his successor, Mayor Alfredo Lim, that the Manila city government was bankrupt after his third term as mayor.

In a statement, Atienza said if the Manila government claims bankruptcy, nobody must be blamed but themselves.

“They (current local officials of Manila) must be responsible enough to manage the premier city properly,” he said.

Atienza said if the current local officials of Manila are failing, they are answerable to the people.

“Inheriting a poor annual revenue collection of only P2 billion from my predecessor in 1998, my administration, through innovative reforms, overwhelmingly raised it up to P8 billion. Our income-generating efforts were evidenced by topping the ranks in a center spread published in the 2006 financial report of no less than the Commission on Audit (COA) and the Department of Finance (DOF),” Atienza said.

Atienza said he remains to be the only mayor of Manila elected for three consecutive terms.

He said during his nine-year administration as Manila mayor, the city enjoyed a “very healthy economy” when taxes were effectively collected and efficiently delivered back to Manilans under his highly commended successful “Buhayin ang Maynila” urban renewal and development program.

During Atienza’s term, he said city hall services were not only felt but experienced. Among others, he said, health centers and hospitals had adequate equipment, facilities and medicines as nutrition programs were also in place.

Young Manilans, especially the poor, were given quality education with competitive standards.

Garbage was regularly collected also and roads were well maintained. “The city had a clean and healthy environment to live in,” he said.

Businesses were thriving as jobs and livelihood opportunities were generated, said Atienza.

“We had a vision and it was pursued and delivered. My performance as Manila’s father is sufficient proof of genuine public service, but lies being peddled about my administration must be corrected. Lies repeated often enough might be perceived as the gospel truth,” he said. – Sandy Araneta

JULY 31, 2009 ABANTE TONITE

Niliwanag din kahapon ni Sec. Atienza ang isyung ibinabato sa kanya na kesyo nabangkarote umano ang lungsod ng Maynila dahil sa kanya.

Ayaw sana niya itong sagutin pero kailangan dahil baka paniwalaan ito ng mga tao.
Nang bumaba siya sa puwesto bilang alkalde ng Maynila nu’ng Hunyo 29, 2007, ang pera sa banko ng City of Manila ay P2.6B. Definitely ay hindi raw bankrupt ang siyudad.
Pinakita niya sa amin ang printed record (Consolidated Daily Cash Position Report mula sa Office of the City Treasurer) na magpapatunay na hindi niya nilaspag ang pera ng Maynila at sangkatu­tak ang salapi ng lungsod pagkatapos ng kanyang full 3-term as mayor.
Bukod doon ay naglabas ng finding ang COA at Dept. of Finance (nu’ng early 2008) ng ratings ng lahat ng local government units sa buong bansa at #1 ang Maynila sa revenue collection. ‘Yun aniya ang distinction ng kanyang administrasyon.

Ngayon, after 2 years ng bagong nanunungkulan ay tila naubos na ang iniwan niyang bil­yones dahil nangutang umano ang pamahalaang Maynila ng P750M (dahil kapos ito sa koleksyon).

“Kung bangkarote ngayon ang Maynila, problema ni Mayor Alfredo Lim ‘yon. Siya dapat ang magpaliwanag. That’s his problem. He has to solve that.

“What I’m saying is, don’t look at me and don’t blame me. Don’t use me as your scapegoat for your failure. If you are failing, you’re answerable to the people.

“I have to correct the lies being peddled because I don’t want people to be misled. Sabi nga, ‘A lie repeated often enough becomes the gospel truth to many!’” ALLAN DIONES

JULY 31, 2009 ABANTE

Naglambing din si Sec. Atienza na tulungan siya ng entertainment press na iparating sa publiko ang reaksyon niya tungkol sa isyu na bankrupt ang kaban ng Maynila at isinisisi ito sa kanya ng administrasyon ni Mayor Alfredo Lim.

Ibinigay ni Sec. Atienza sa mga reporter ang dokumento na magpapatunay na malaking halaga ng pera ang iniwan niya sa Maynila nang bumaba siya sa puwesto.

“Ako’y binabato ng kasinungalingan na hindi tama. Na ang problema ng Maynila ay bankruptcy that was caused by me.

“Siguro, nababalitaan ninyo ‘yon na bankrupt ang Maynila. Na kagagawan ni Atienza kaya wala ka­ming ganito, sira ang mga kalsada, walang gamot sa ospital dahil bangkarote ang Maynila.

“Ayoko sanang sagutin dahil hindi pa naman panahon ng pulitika pero baka lumalim nang lumalim, paniwalaan ng mga tao.

“Kawawa naman ako. Hindi totoo eh. Noong iniwanan ko ang Maynila noong June 29, 2007, ang pera na nasa bangko ay P2.6 billion. Hindi bangkarote ‘yon dahil ‘yon eh money in the bank. Money in the vault.

“Narito ang record na kinuha ko before I stepped out of my office. I made sure that I have the documents that will defend my administration. Parang alam ko na eh, na siguradong magkakaroon ng kasinungalingan.

“Na sasabihin, nilaspag ko. Mismanaged ang Maynila, bangkarote ang Maynila. This is the daily cash position report of the City Treasurer of Manila. Hinugot ko ito sa libro ng City Treasury dahil alam ko na ito ang tanging ebidensya. Ito ang pera ng Maynila when I step down,” ang napapailing na pahayag ni Sec. Atienza. JOJO GABINETE

JULY 31, 2009 PILIPINO STAR NGAYON

Ipinakita nga pala ni Papa Lito sa entertainment press ang mga papeles na magpapatunay na hindi totoo na walang datung ang Maynila nang mag-goodbye siya sa puwesto noong June 2007.

Take note, bumaba si Papa Lito sa puwesto dahil tapos na ang kanyang termino at hindi dahil natalo siya sa eleksyon.

May-I-show ni Papa Lito sa mga reporter ang papel na ebidensiya na P2.6 billion ang kadatungan na iniwan niya sa City of Manila at pirmado ito ng City Treasurer.

Hindi alam kung kaninong kamay napapunta ang datung dahil sinasabi ngayon ng mga nakaupo sa puwesto na bankrupt ang Maynila nang iwanan ito ni Papa Lito.

Paano naging bankrupt ang isang siyudad na may kayamanan na P2.6 billion? May mga pinang­ha­hawakan na ebidensiya si Papa Lito. Saan napunta ang bilyung-bilyong piso na nawala sa kaban ng yaman ng Maynila? Sino ang nakinabang?

Sinabi ni Papa Lito na ayaw sana nito na patulan ang pang-iintriga ng kanyang mga kalaban sa pulitika pero kailangan niyang ipagtanggol ang sarili. Hindi tama na manahimik siya dahil baka maniwala ang mga tao na tinangay niya ang datung ng Maynila.

Naniniwala ako na inosente si Papa Lito sa kasalanan na ibinibintang sa kanya. Ang ganda-ganda ng puwesto niya sa DENR. Puwede niyang dedmahin ang mga nangyayari ngayon sa Maynila pero dahil hindi nga totoo ang mga bintang sa kanya, nagsalita na siya.
LOLIT SOLIS

JULY 31, 2009 PILIPINO STAR NGAYON

Anyway, hindi lang pala ako ang nagre-reklamo sa panget na kalsada sa Maynila. Ayon sa dating mayor ng Maynila, nire-reklamo rin sa kanya ng mga kapit-bahay niya. Ang sabi raw kasi ng local government ng Manila, wala na silang pondo na ikinatataka niya (Atienza) dahil P2.6 billion ang iniwan niyang pera noong matapos ang kanyang termino bilang mayor.

Isa pang nakakaalarmang kuwento ni Sec. Atienza ay ang nakakatakot na oil depot sa Pandacan. Imagine, oras na magkaroon pala ng aksidente sa nasabing oil depot, makakarating hanggang Malacañang ang pagsabog. Nauna na raw sinabi ng Presidential Security Group (na ‘wag naman sana), na kung may masamang mangyayari, hindi nila alam kung paano ililigtas ang pangulo.

Ka-afraid.

Isa si Iskho Moreno sa pumirma ng ordinance na pumapayag na manatili sa Pandacan ang nasabing oil depot kaya nega ang dating niya sa showbiz.

Oh my, ipagdasal na lang natin na walang masamang mangyari sa oil depot dahil apektado ang buong Maynila bukod pa sa masamang epekto nito sa kalusugan ng mga mamamayan ng Maynila. SALVE ASIS

Politics & Government - Top Blogs Philippines

Add to Technorati Favorites


Leave a Comment »

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: